Friday, July 20, 2012

What's Your Next Topic???

If you want to be FEATURED, please leave a comment regarding your favorite TOPIC and I will create a BLOG just for you out of it...

BLOGGING is cool....


Buhay Ng Guro

Apat na taon ang pag-aaral. Pagka-graduate kailangan mag-test ng BOARD EXAM para magka-lisensya ng pagtuturo.
 Hindi mo pa alam kung papasa ka o hindi.
Pag hindi ka pumasa, private school ang bagsak mo or call center or cashier or OFW.
Pag nakapasa ka, pasok ka na sa public school, pwede pa rin naman sa private school, or call center or cashier or OFW.
Apply dito apply doon...
Bawat school na madaanan, aaplyan...
Demo-teaching
Interview
Examination
Papa-rank sa public.
Syempre pag may kakilala sa gobyerno, mas may edge ka.
Pero may tinatawag talaga na tadhana...
Pag sayo talaga ang item bilang guro, sayo talaga ito...
Pag hindi, hintay hintay lang muna....
Pag wala pang ITEM, LSB ka muna .
Ingat sa politika kasi baka matanggalan ka ng COLA...sayang din un...
Pero bago mo ma-enjoy ang mga benepisyong pinansyal ng isang guro, tatlong buwan ka munang hindi makakasahod nyan.
Aasa ka muna sa magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan, kasama sa trabaho, dating kasama sa trabaho, kapitbahay, 5-6, at kung ano-anopang pwedeng mahiraman ng pera...
Pero pag dumating na ang sahod..ayan na ang banig-banig na cheke kungf ilang buwan kang hindi sumahod...
Napasama na ang name mo sa PAYROLL...
May PAYSLIP ka na...
Pwede ka ng mag-LOAN  sa mga lending companies for teachers....
Manila Teachers, PR Bank, Asian Life, City Savings, United Teachers, united Coconut, Coco Life, etc.
Insurances like GSIS, Pag-ibig, PhilHealth, Fortune Care, atbpang mga health insurances sama na din Death Plan ng St.Peter....Plan ng Smart, Globe, Sun, PLDT at kung ano ano pang internet connections andtelecommunications...
Ang TAX na pag tumaas ang sahod TATAAS din..kaya hindi maramdaman ang pagtaas ng sahod...ganon din ang GSIS..sumasabay sa pagtaas ng sweldo
Pahulugan dito pahulugan doon...
Avon, Nathasia, MSE, Sara Lee, isama na pressure cooker, frying pan, kurtina, appliances, gadgets, pati kumot at tuwalya...
Naluma na nga ang tocino at longganisa ni ma'am...napalitan na ito ng cup noodles, kape, puto, pancakes....
Ahente ng lupa, discount cards, credit cards, pati libingan ataol...
Pag nagkaroon ng credit card, shopping to the max, swipe dito swipe doon...
Kapag 3 hanggang limang taon na sa serbisyo, pwede na MAG-CONSO LOAN sa GSIS...malaki ito hindi bababa sa 6 digits ang pwedeng ma-loan dito..kaya balik shopping ulit sila teacher
Pag PAYDAY, PAY DAY talaga...bayad dito bayad doon...
Pag may PAYSLIP na, LOAN-don na ulit....
Dahil 6 hours lang ang stay sa school...nakakaraket pa si teacher sa kung ano anong trabaho na pwede pang pasukan para dagdag income ika nga....

Kung iisipin, malaki na nga ang sahod ng guro sa ngayon...17k starting??? Not bad isn't it???
Pero bakit nga ba hirap pa din ang mga guro...
Madaming factors yan eh...hindi na kailangan pang isa-isahin...basahin ang naunang talata para ikalilinaw ng isipan....
May mga dahilan din naman na hindi pinansyal kung bakit mahirap ang buhay ni teacher..
Maaaring sa workplace may problema....Colleagues, students/ pupils, principal or admin...
Maaari ding sarili ni teacher mismo ang problema...
Personal or professional reasons...

Sino nga ba makakapagsabi na ang buhay ng isang guro ay madali o mahirap?
Ang GURO mismo na aktuwal na nagtuturo ang makakasagot nyan...
Wag po natin husgahan ang mga kaguruan kung bumababa man ang kalidad ng edukasyon.
Makakapagtrabaho ba ang isang tao sa maliit, mainit, masikip, mabahong kwarto na may 80-100 na estudyante na ang tanging gamit lamang ay BIBIG upang makapaghatid ng mga kaalaman na kailangan ng mga kabataan? Pakisagot nga kung kaya mo!
Hindi biro ang propesyong ito. Debosyon, dedikasyon at purong atensyon ang kailangang pag-ibayuhin upang magampanan ng isang guro ang kanyang trabaho, obligasyon at responsibilidad.
Nanumpa ang guro upang magturo.

Minsan nakakasakit. Hindi lamang sa pananalita kungdi pati sa pisikal.
Tao lang naman din ang mga guro na nauubusan ng pisi sapag-intindi ng mga matitigas na ulo ng mga bata.
IKAW bilang magulang, hindi mo dapat inaasa sa GURO ang problema mo sa ANAK MO. May responsibilidad ka din na dapat gampanan.
Pag nagkamali ang guro, hindi sila dapat alipustahin, sisihin, hiyain...hindi sila dapat husgahan na para bang kriminal...
Isa lang guro sa silid-aralan...ilang pares ng mata ng mag-aaral ang nakatingin sa kanya araw-araw...???
Ilang pares ng magulang ang nagpalaki sa bawat batang kanyang nagiging estudyante ang kailangan nyang pakisamahan?

Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising...ika nga..
Sa mga guro, MAGBIRO KA NA SA LASING AT BAGONG GISING WAG LANG SA TEACHER NA WALA NG PERA...hehehe...kahit naman siguro sino iinit ang ulo kapag kulang na ang budget para sa sarili lalong lalo na para sa pamilya...

Sa kabilang banda, mahusay talaga ang mga guro sa pagdadala ng buhay...mapa-problema man o hindi, masayahin ang mga guro...
Isipin na lang ang MIDYEAR at YEAR BONUS, COLA, CLOTHING ALLOWANCE, PRODUCTIVITY PAY, CHALK ALLOWANCE, and CASH GIFT FROM THE PRESIDENT...
wag na natin i-breakdown kung magkano baka tumaas pa ang kilay mo at kaiingitan pa ang mga guro...
Pero sapat ba ang halaga nito? Nasa oras ba ang pagbibigay? Pinatutubuan ba muna ng mga nakatataas? Hindi natin masasabi at mahirap ng magsalita baka maligwak pa sa serbisyo...lalo nang nagkanda-leche leche :)

Nais mo bang maging GURO? Basahin mo lang ito baka sakaling makatulong sayo...TANDAAN; HINDI BIRO MAGING ISANG GURO...Ito ay propesyong mababa ang kita pagdating sa pera pero MOST NOBLE AMONG ALL THE PROFESSIONS IN THE WORLD...

Kung IKAW ay GURO....Sigurado akong sumasang-ayon ka dito sa mga naisulat ko at madami ka pang gustong idagdag...may mga puntong tataas ang kilay mo at maiinis sa akin, may puntong mapapangiti ka, may puntong makakaramdam ka ng pag-iimbot sa gobyerno, pero isa lang masasabi ko.......TOTOO LAHAT NG MGA SINABI KO....